• Wall
  • Foreign Txtm8
  • Search Txtm8 in your area
  • txtm8

Unti-unti ko ring namalayang napakaganda niya palang talaga│p4


Malimit, ang pagkakataon naming makapag-bonding ay kung may nahiram akong magandang pelikula sa film center. Pareho kaming mahilig manood ng pelikula ngunit hindi kami pala-sine. Una, dahil malayo ang sinehan, ikalawa, wala kaming kasama. Hindi pa pumapasok sa isip naming ang magsine na kaming dalawa lang.
Mas matanda ako sa kanya ng limang taon. Sa batch naming mga scholars, si Jihye ang pinakabata.

Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit siya ang darling of the batch, ikalawa’y dahil para siyang manika—mala-porselana ang kaputian, laging nakangiti, naka-ponytail lagi. Matalino si Ji—palayaw ko sa kanya, maganda ang kanyang scholastic records kung kaya’t naging mas madali siyang nakapasa sa scholarship program.


Sa panaka-nakang pag-uusap namin, madalas naming pag-usapan ang kultura ng Korea at Pilipinas. Nakahiligan naming pag-usapan ang mga mito at alamat ng dalawang bansa. Napakahilig niya sa mga kuwento ng mga diyos at diyosang ayon sa mga kuwentong-baya’y namuno sa daigdig noong sinaunang panahon. Doon, unti-unti kong nakilala si Jihye.

Unti-unti ko ring namalayang napakaganda niya palang talaga. Nasanay ako sa mga Koreanovela at mga Koreanong turista sa Pilipinas ngunit hindi ako masyadong nagagandahan sa kanila. Palagay ko mas maganda ang hubog ng mukha ng mga Pinoy. Ngunit, iba si Jihye; hindi gaanong singkit at laging nangungusap ang kanyang mga mata. Mabulas ngunit hindi tabain ang kanyang katawan. Kapag nagsasalita siya, parang may awit. Palagay ko, noon nagsimulang magustuhan ko siya.


Halos magka-akma ang aming class schedules, magkaibang courses nga lang kaya’t magkaibang buildings din. Ngunit sabay kaming umaalis ng bahay, sabay ding umuuwi. Nilalakad lang namin papuntang klase, pag-uwi naman nakagawian ko nang daanan siya sa tapat ng department of art studies. Lagi’t lagi, natatagpuan ko siya sa bench doon na katabi ng giant chess board.


BALITA at TSISMIS

Lukaret