• Wall
  • Foreign Txtm8
  • Search Txtm8 in your area
  • txtm8

Noong una, nagkakahiyaan pa kami ni Jihye. Pasulyap-sulyap lang at miminsan kung nag-uusap│p3


SA MADISON, Wisconsin, doon kami unang nagkakilala ni Jihye. Unang beses ko ring marating ng Amerika. Pareho kami pinalad na makapasok sa isang pretihiyosong fellowship kung saan makapag-aaral kami ng masterado sa pipiliin naming eskuwelahan. Pinili ko ang isang kilalang unibersad sa Wisconsin upang kumuha ng masterado sa comparative literature. Sa pambihirang pagkakataon, nakasabay ko ang isang napakagandang Koreana na nagpapakadalubhasa sa art history—si Jihye.

Magkasabay kaming dumating sa Wisconsin September ng 2005. Pagkarating na pagkarating, tinungo naming ang tanggapan na namamahala sa mga international scholars para sa aming matititirhan. Agad naman kaming tinulungan ng tanggapan at dinala kami sa tirahang inihanda na para sa amin ng foundation.

Isang fully-furnished na bahay na may dalawang palapag ang aming bahay habang nag-aaral. May dalawang kuwarto ito, banyo, at may maluwang na veranda sa itaas, malaki ang salas sa ibaba na may anteroom pa mula sa main door, may kaluwangan ang kainan na nahihiwalay sa kusina sa pamamagitan ng isa pang banyo.

Maayos ang kusina, nandun na ang lahat pati mga lutuan at gamit sa pagkain. Ayon sa naghatid sa amin, bahay raw ito ng isang propesor sa unibersidad na ngayo’y nasa France na at nagtuturo na sa Sorbonne. Malaking bagay din ang dating may-ari dahil extensive ang sariling library nito sa bahay.

Noong una, nagkakahiyaan pa kami ni Jihye. Pasulyap-sulyap lang at miminsan kung nag-uusap. Natural lang naman dahil una, hindi naman kami magkakilala, pangalawa, babae siya at lalaki ako. Ngunit, habang lumalaon ay nagiging madalas na ang aming pag-uusap, lalo na’t hindi naman masyadong maraming Pilipino sa village na kinalalagyan namin. Maging si Jihye rin ay nahirapang mag-adjust noong una. Nahirapan siya sa language barrier dahil kahit maalam siyang mag-Ingles, may pagka-pilipit ang kanyang dila dahil na rin sa kanyang sariling wika.


BALITA at TSISMIS

Lukaret