• Wall
  • Foreign Txtm8
  • Search Txtm8 in your area
  • txtm8

“So how does it feel? Having no boyfriend since birth?│p7



“We’re stuck here, Vic. Either we help or let each other down. I’m here for you in any way,” damang-dama ko ang pagiging totoo ng kanyang mga sinabi.
“Thanks, thanks, Ji… and if you’d not take good care of me, I’ll tell the foundation…” pabirong sambit ko, para bahagyang mapawi ang kalungkutang nakalukob sa akin.
“Oh, you should tell the foundation then that I’ve cooked for you. Let’s eat!”

Malaking tulong sa akin ng hapon na iyon ang kainang inihanda ni Jihye. Kahit paano’y nakalimutan kong panandalian ang sakit ng paghihiwalay namin ni Richelle. Naging masaya ang maagang hapunan namin.

Ilang Korean dishes ang inihanda ni Ji, kaya’t appetizers pa lang, sandamakmak na. Napag-usapan na rin namin ang kanya-kanyang mga pakikipag-relasyon. Noon ko nalaman na hindi pa nagkaka-boyfriend si Jihye. Sa Korea, nakatuon ang buhay niya sa pag-aaral. Bagama’t may mga lalaking nagpapahiwatig ng interes, hindi naman matatag ang kanilang loob na lumapit sa kanya. Kahit hindi pala-imik si Jihye at pangiti-ngiti lamang ito, malakas ang personalidad niya dahil isa siya sa pinaka-matalino sa unibersidad na pinanggalingan.

“So how does it feel? Having no boyfriend since birth?” biro ko.
“It’s just okay, it’ll come eventually,” buong tapat na sabi niya.
“But, how come? You’re very pretty, talented…”
Tumawa lang siya.

“Do you drink, Ji?”
“Of course, I drink! I’ll die if I won’t!”
“Aha! You’re pilosopo! Kilitiin kita diyan, nakuha mo.”
“What?! You’re talking Filipino! Hmp!”

Tumawa ako at ginaya ang ekspresiyon sa kanyang mukha.
“I mean you’re rude and I want to tickle you,” natawa siya, “and I’m asking you if you’re drinking beer or alcoholic drinks.”
Tawa pa rin siya nang tawa.
“What’s funny, man?”
“Nothing… you…!”

BALITA at TSISMIS

Lukaret