Habang naglalakad, damang-dama ko ang lamig. Kaya’t ‘di rin naiwasang isipin kong muli ang huling usapan namin ng girlfriend ko. Hindi ko rin maiwasang magtanong sa sarili: Bakit? Anong dahilan ng pagbitiw sa relasyong matagal ko pinaka-ingatan? Bakit kung kailangan ko ng pang-unawa, hindi niya naibigay? Maraming mga tanong, kasama na rin ng mga agam-agam, ang sumagi sa aking isipan. Hindi ko napansing tinatanong na pala ako ng aking kasama.
“Hey! Did you hear me?”
“Oh, I’m sorry, what was it?”
“Do you, guys, often drink in the Philippines?”
“Generally, Filipino males are drinkers…oh ‘mild drinkers’ as one short story goes. I think it’s part of our culture,” sabi ko. “But not me. I just drink ocassionally… very seldom…”
Dahil sa lamig, iniangkla ko ang mga brasko ko sa mga bisig ni Jihye. Nahalata niyang nilalamig ako kaya’t hinigpitan niya ang pagkakaipit sa aking braso.
“You should get used to winters, Vic, so that when you visit me in Korea, you can stay for long…” alam kong nagbibiro siya, ngunit dala na rin ng lamig, napilitan kong sakyan na lang ang sinabi ni Jihye.
“Really?! Hmmm… where can I stay when I’m there?”
“You can always stay with me, in my place.”
“Alright, I will plan for my first visit tomorrow…”
“Eeh, you’re fooling me.”
Narating rin namin ang grocery na nakagawian naming pagbilhan ng mga basic naming pangangailangan. Kumuha ako ng ilang bote ng beer at mixed drink para kan Jihye. Siya naman ang kumuha ng pulutan na karamiha’y chips lang naman. Pagkabayad, umuwi kami agad dahil gumagabi na at lalong lumalamig ang paligid. Suburban ang paligid ng university at dahil dito, sa ganitong mga panahon, may nagagawing mga grizzly bear. Delikado para sa mga naglalakad sa labas.