• Wall
  • Foreign Txtm8
  • Search Txtm8 in your area
  • txtm8

Marubdob at punung-puno ng pagmamahal ang muling paglalapat ng aming mga labi.


Pagkalabas na pagkalabas ko ng gate, nandun na si Jihye, nakatayo, buong-buo pa rin ang ngiti, ngunit hindi pa rin umiimik. Nilapitan ko siya, ibinaba ang lahat kong gamit maliban sa backpack sa aking likod, at niyakap siya ng buong-higpit. Sinuklian niya ito ng mahigpit na yakap; pagkunwa`y kumalas siya sa aming yakapan at bahagyang tumingkayad at inabot ng kanyang labi ang aking mga labi. Marubdob at punung-puno ng pagmamahal ang muling paglalapat ng aming mga labi.

“Baby,” sambit ko matapos ang aming halikan, “I’m so glad I’m here.”

Sinagot niya ako ng munting hagikhik, pagkunwa’y marahan niyang sinabi, “I miss you, baby.”

“I miss you too,” sabay akbay sa kanya habang tinutulak ko ang push cart na kinalalagyan ng aking mga daladalahan. Yumakap sa akin si Jihye habang papalabas ng airport.

“How was your flight?” Waring nakakakiliti ang Ingles niyang tunog Koreana.

“It was just fine. But I didn’t know it’s this cold here. Anyway, what’s more important is that I’m here.”

“Did I not tell you that it can be this cold here? Hmm,” sabay kurot sa aking tagiliran.

“Alright, my fault,” sabay nakaw ng halik sa kinasabikan kong pisngi ni Jihye, “God, you’re so beautiful, baby.” Sinagot niya akong muli ng isang munting hagikhik

Lumabas kami sa gusali ng airport at tinungo ang parking area. May kalayuan ang pinaradahan ni Jihye ng kanyang kotse kung kaya’t nagkaroon kami ng pagkakataon upang makapag-usap habang parang naglalakad-lakad. Sa maikling panahon, pahapyaw na nabalikan namin ang mga panahong magkasama kami sa malamig na state ng Wisconsin bilang mga international scholars.

BALITA at TSISMIS

Lukaret