• Wall
  • Foreign Txtm8
  • Search Txtm8 in your area
  • txtm8

Koreana│Written by Vince Garbo

Previous│Next
Tags│Sexy Pinay Erotic Stories♥Sex Stories/Pinoy Tagalog Sex Story♥Mga Nakakalibog at nakaka Inlove na Kwento


NAKUKUMUTAN ng maputing niyebe ang kalupaan ng Korea nang lumapag sa Incheon ang kinasasakyan kong eroplano. Sa tube pa lamang na dinadaanan papasok ng airport ay damang-dama ko ang lamig ng panahon bagamat makapal ang aking suot. Pagkakuha ko ng aking mga gamit, tinungo ko agad ang immigration at pinaberipika ang aking mga papeles.

Sa arrival, kung saan nakahilera ang mga nagsisipagsalubong sa mga bagong dating, nilinga ko ang aking paningin sa pag-asang makikita ko siya. May ilang sandaling hinanap siya ng aking mga mata, kasabay ng pagsiyasat sa mga taong naroroon ang kakaibang kaba ng aking dibdib.

Ito ang kauna-unahang panahong tutuntong ako ng Korea at ang sadyang pakay ko ay makasama ang taong nagbigay ng kakaibang layunin sa aking buhay. Hayun, sa bandang dulo ng hilera ng mga tao nakita ko ang hinahanap ng aking mga mata si Jihye. Nakapatong ang kanyang mga braso sa railing ng arrival area, walang imik na nakangiti ng ngiting hanggang tenga, ngunit nahalata ko ang butil ng luha sa kanyang mga mata.

Nakapink na jacket si Jihye na lalong nagpalitaw sa mala-porselanang kutis ng kanyang napakagandang mukha. Sumenyas siya na sasalubungin niya ako pagkalabas ng gate kung kaya`t nagkaroon ng saglit panahong nawalay siyang muli sa aking paningin.






BALITA at TSISMIS

Lukaret