• Wall
  • Foreign Txtm8
  • Search Txtm8 in your area
  • txtm8

“I think you`re my best kiss…”│p16


PreviousNext

Sa dilim ng gabi, walang sawang inaninag ko ang mukha ni Jihye. Isang diyosa ang aking katabi—diyosang nagbibigay sa akin ng panibagong layunin. Hindi ko mawari ang aking damdamin ng mga sandaling iyon. Natatakot akong panandalian lamang at huwad ang kung anumang nagpapalapit sa akin sa kanya. Napakabuti ni Jihye at hindi siya karapatdapat na masaktan.

Hinagod ko ang likod ni Jihye, gusto kong ibigay sa kanya ang pinakakomportableng pakiramdam sa aking piling, kung ito man ay tatagal o pang-isang gabi lang. Nagbitiw lamang siya ng munting ngiti.

Itinaas ko ang laylayan ng suot niyang pantulog at ipinasok ang aking kamay sa loob ng kanyang damit para lalo kong mahaplos ang kanyang likod. Bahagyang napaigtad si Jihye, waring nakiliti. Ngumiti siyang muli nang simulan ko ang malalapad na haplos sa kanyang likod.

“I love what you’re doing… unnnggh…”

Naglapat muli ang aming mga labi. Mas marubdob, mas mapusok. Sa pagitan ng mga halik, ninanakaw ko ang mga sandali para maipahayag sa kanya ang mga bagay nais kong sabihin.

“I love kissing you, Ji… ummm…”

Manamis-namis ang kanyang mga labi.

“I think you`re my best kiss…”

Nasulyapan ko siyang ngumiti sa aking sinabi.

“I don’t know, you’re just my first kiss… but I love it…”

Ninamnam ko ang bawat bahagi ng kanyang napakalambot na mga labi. Nilasahan ko ang bawat sulok nito. Pagkatapos ay ipinasok ko ang dila ko sa kanyang bibig. Hindi alam ni Jihye ang gagawin, kumalas ako sa pagkakasalikop ng aming mga labi.

“Give me your tongue…” at sinibasib kong muli ng halik ang Koreanang kaniig.

BALITA at TSISMIS

Lukaret