• Wall
  • Foreign Txtm8
  • Search Txtm8 in your area
  • txtm8

Nginitian niya ako ng isang matamis na ngiti



Humarap si Jihye sa akin at niyakap niya ako. Nabigla ako sa ginawa ni Jihye. Walang pag-aalinlangan ang hangarin niyang mapawi kahit paano ang kirot sa aking puso.
Hindi ako umimik. Nagparaya akong ganon ang posisyon naming dalawa. Nagpipigil ako dahil ayokong magkaroon si Jihye ng impresyon na parang ginagamit ko lang siya sa gitna ng mapait na karanasan.

Hindi ko rin maikakaila na dahil sa kaming dalawa lamang ang laging magkasama, napakagaan na ng loob ko sa kanya. Ngayong gabi, tanging mga damit lamang namin ang naghihiwalay sa aming dalawa. Pilit na naghuhumindig ang aking pagkalalaki, ngunit pilit kong linalabanan ito.


Mahimbing ang tulog ni Jihye; malamang dahil sa nainom niya. Sa kakaunting liwanag sa salas, nababanaag ko ang kaamuhan ng kanyang mukha. Napakakinis ng kanyang mukha, an maninipis niyang mga labi ay nakangiti maging sa pagtulog, at kahit nakapinid ay nangungusap pa rin ang kanyang mga mata. Ang kabuuan ng mukha ni Jihye ay animo’y Asyanong diyosang nakatanod sa yaman ng isang isla o karagatan—tulad ng mga sinaunang diyosang madalas naming pag-usapan.

Halos abot-mata ang bangs niya na mas nagbibigay-atensiyon sa bilugang hugis ng kanyang mukha. Marahan-marahan, inabot ko at hinaplos-haplos ang kanyang pisngi; sinalat ko ang kanyang kilat, mga mata, ilong hanggang sa napakalambot niyang mga labi. Gumalaw siya ng bahagya, at unti-unting iminulat ang kanyang mga mata.
“Vic?”
“Thank you, Ji… you’re so kind and so good to me.”
“Because you’re good too…”

Nginitian niya ako ng isang matamis na ngiti. Dahan-dahan, hinalikan ko siya sa pisngi. At pagkatapos, tinitigan kong muli ang napakanda niyang mukha. Nakatingin din siya sa akin, waring binabasa ang laman ng aking isip. Ilang saglit kaming nanatiling ganon, habang ang mga bisig nami’y nakabalot sa isa’t isa. Nag-aalinlangan at dahan-dahang inilapit ko ang mukha ko sa mukha ni Jihye, nagdikit ang aming mga noo at ilong. Nagpaubaya siya. Naglapat ang aming mga labi.

Sa una’y padampi-dampi lamang, hanggang sa naramdaman kong sinusuklian niya rin ako ng matatamis na halik. Naging mas marubdob ang halikang nagpatuloy. Mas mahigpit ang mga yakap niya, gayundin ang ginawa ko.

BALITA at TSISMIS

Lukaret