• Wall
  • Foreign Txtm8
  • Search Txtm8 in your area
  • txtm8

Mga nakakatawang Kowts ni Bob Ong

1.Meron kaming CR sa eskwelahan, pero walang janitor... Pag pumasok ka dito, masusuka ka muna bago ka matae. kahit diarrhea mo uurong

2.
Madaling isipin kung ano ang gamit ng pera, pero hindi ko maintindihan kung bakit kailangang ito ang maging sukatan ng tagumpay ng tao.

3.
May mga estudyante rin na mabango at amoy candy ang eraser, samantalang ang iba e binuhol na goma lang ang gamit.

4.
Dalawa ang pwede naming daanan pauwi. 'Yung isa, daanan ng jeep. laging baha kahit walang ulan, extension ata ng Ganges River.

5.
Nakita ko ang library kung saan kailangan mo munang makipag-espadahan sa librarian na bumubuga ng apoy bago ka makapaglabas ng libro.

6.
Hindi ko alam kung malinis 'yung tubig sa gripo o nasanay na lang ang tiyan ko sa amoeba.

7.
Nung Grade 1, pila-pila ang ihi. Pagkatapos ng recess, isang section kayong haharap sa pader para jumingle.
Kung sa malalalim na tula nipapahayag ng mga kababaihan ang mga saloobin nila, sa mga lalake'y isang simbolo lang ang katapat.

8.Pag binisita ka ng idea, gana, o inspirasyon, kailangan mong itigil LAHAT ng ginagawa mo para lang di masayang ang pagkakataon.

9.
Tinitimbang kami regularly. Hinihintay ko nga kung ibebenta kami o ipapakain sa mangkukulam ng hansel & Gretel.

10.
Totoong biro lang ng mga Pinoy na recess ang paborito nilang subject... Dahil kung paborito ang pag-uusapan, walang tatalo sa uwian.

11.
Ang hirap sa ibang ballpen, pag itinayo mo nang pabaliktad, natutuyo ang tinta. Pag itinayo mo naman nang tama, nagtatae.

12.
Pag lumabas ka ng bahay, huhulihin ka ng mamang may sako, ki-kidnapin ka tapos yung dugo mo gagawing pampatigas ng mga ginagawang tulay.

13.
bumalik ang eskwelahan sa dati nitong anyo-- gubat. Bunalik din ako sa dati kong pagkatao-- insekto.

14.
May payong 'yung pinsan ko, Hello Kitty na sa sobrang liit e para lang kaming sumilong sa ilalim ng mushroom.

15.
hindi mawawala... ang mga batang lalake na tumataya para manalo ng itik. Minsan kahit maasim ang buhay at may daga, masarap pa ring tumaya.

16.
Noon kasi bago ako kwentuhan ng matatanda, aalilain muna ako sa dami ng utos. Bad trip.

17.
Kung bibigyan ka ng isang bilyong piso pero... hindi ka magkakaroon ng kaibigan, kakilala at asawa sa buong buhay mo, papayag ka ba?


8.

BALITA at TSISMIS

Lukaret