May kaluwangan ang salas ng bahay kaya’t inayos ko ang mga upuan at mesita upang magkaroon ng espasyo sa gitna. Kinuha ko ang makapal na comforter, isang malaking unan, at isa pang makapal na kumot sa kuwarto ko at naglatag ng mahihigaan sa sahig.
Inalalayan ko si Jihye pababa sa comforter at pinahiga doon. Pupungas-pungas siya ngunit nagpatuloy sa pagtulog. Hindi ko napansin ang hindi sadyang pagtaas ng laylayan ng kanyang damit nangpatambad sa napakaputing mga binti nito na napakaganda rin ng hubog.
Ayaw kong patulan ang aking pagnanasa kaya’t ibinaba ko ang kanyang damit para muling matakpan ang kanyang mga binti.
Nakahiga si Jihye sa comforter, umupo ako sa kanyang ulunan, binuksan an TV at pinagpatuloy ang pag-ubos ng natitirang bote ng Bud. Paminsan-minsan ko siyang sinusulyapan para tingnan kung okay naman. Pinatay ko ang ilaw sa salas at itinira lamang ang ilaw sa maliit na lampshade na nasa ibabaw ng isang side table nang. Sa labas, tagos-buto ang lamig ng Nobyembre.
Nanonood ako ng TV nang bahagyang gumalaw si Jihye. Nagising siya at luminga sa paligid.
“Vic…?”
“Yes, I’m here, Ji. I’m just watching TV, you were drunk, you fell asleep. Anything?” Ipinatong ko ang isang kamay ko sa balikat niya para itiyak sa kanya na nandun nga ako.
“Yeah…” umunat siya at itinaas ang ulo at ginawang unan ang aking mga hita. Nag-ayos ako ng pagkakaupo para maging komportable siya. Ipinatong kong muli ang kamay ko sa balikat niya, pagkunwa’y hinila ko siya palapit sa akin para ayusin ang pagkakaulo niya sa binti ko.
Humarap siya palayo sa akin ngunit hinila niya ang kamay ko ng sa gayo’y hawak ko ang isa niyang balikat sa ilalim at nakayakap ako sa kanya; ipinatong niya ang kanyang kamay sa kamay ko at mahimbing na natulog. Nagpatuloy akong magpatay-malisya, bagama’t may mga pagkakataong dala na rin siguro ng konting tama ng iniinom na parang gusto ko siyang patusin. Ngunit nag-alinlangan ako.