• Wall
  • Foreign Txtm8
  • Search Txtm8 in your area
  • txtm8

Ang Pinaka Mahal Na Pagkain Sa Mundo│245,748 Hits!

Alam niyo bang ang pinaka mahal na cake sa buong mundo ay nagkakahalaga ng tumataginting na 1.65 Milyong Dolyar. Katumbas ito ng 70milyon halos sa currency dito sa Pilipinas. Hindi lang ito ang pinaka mahal na cake sa mundo, ito na rin halos ang pinaka mahal na pagkain na ginawa sa kasaysayan. Mayroon itong burda na 223 na Diyamante.

At kung pagbabasehan ang presyo nito. Katumbas ng cake na ito ang dalawang brand new model na Ferrari. Biruin mo sa sobrang mahal ng cake na ito, Maari ka nang magpatayo ng mansiyon na sampung beses ang laki sa mansiyon ng pinamayamang boksingero na si Manny Pacquiao. Maari ka na ding ma mudmod ng tig dalawang pares ng tsinelas sa buong pupulasyon ng bansang Korea. Tig apat na sapatos sa lahat ng tao sa Vatican City, at kung gugustuhin mo, katumbas ito ng sapat na budget para mabili mo lahat ng plane ticket sa Buong Mundo.

Samantala: Ang Pinaka malaking cake na naitala sa kasaysayan ay mula sa Mohegan Sun wedding cake para sa New England Bridal Showcase Noong February 08, 2004. Ang wedding cake ay may taas na 17 feet at tumitimbang ng 15,032 pounds. Ito ay gawa sa 10,000 pounds na cake batter at 4,810 pounds na icing, sa sobrang laki nito ay kaya nitong pakainin ang halos 59,000 katao. Halos Katapat ito sa kapasidad ng pinaka malaking Dome sa Buong Mundo, ang Cowboys Stadium kung saan ginaganap ang National Football League sa arlington Texas.

At kung sa tingin niyo ay kagaya ito ng pinakamahal na cake? nagkakamali kayo dahil ay ginastos dito ay hindi pa halos umabot sa unang porsiyento sa ginastos sa Diamond cake.

BALITA at TSISMIS

Lukaret