• Wall
  • Foreign Txtm8
  • Search Txtm8 in your area
  • txtm8

Dear Lotto Winner!│700 Million WOW!

Samantala, hindi lamang sa mga umpukan kungdi maging sa mga social networking sites ay usap-usapan ang nag-iisang nanalo ng naturang premyo.

Sa Facebook, nagkaroon ng palitan ng kuro-kuro ang mga users ukol sa kanilang payo kung paano gamitin ang pera habang naghulaan kung sino ang naturang winner.

May mga nagsuhestyon na balatuhan nito ang lahat na mga Pinoy ng tig-P1 million na kaagad naman kinontra ng isang user dahil kung lahat daw na Pinoy ay bibigyan ng balato, umaabot lamang sa P7.00 ang magiging balato.

May nag-propose pa ng kasal at ang isang Twitter user na taga-Olongapo ay uuwi raw para hanapin kung sino man ang nanalo ng lotto jackpot.


Ngunit marami ay pinayuhan ang hindi pa nakikilalang winner na magkawang-gawa.Maging ang mga celebrities ay hindi nagpahuli para magbigay ng payo.

Si Rico Blanco ay binati ang naturang winner habang si Bianca Gonzales ay umapela na magpatayo ito ng mga paaralan para sa mga kabataang Pinoy.


Narito ang ilang usapan sa Facebook at Twitter: DearLottoWinner
Since there are less than 100M people in our country, you can help Filipinos bigtime by giving 1M each.:3" "#dearlottowinner bakit napakaraming tao hindi marunong mag math? if there are close to 100m filipinos and balato mo 700m .. 7pesos each," ani @sansantag.

"#dearlottowinner sna u have a BIG heart to be able to share watever u have now. And always put ur feet on d ground. Use it a good way. :D," suhestyon ni @G_rald_ne.

"#dearlottowinner, i hope you donate to charity... Nga pala, charity ang nickname ko," ayon naman kay @nicopoli.

"#dearlottowinner uuwi ako ng olongapo ngayon para ma-hunting ka kaya Magtago ka na! Hahahaha" joke pa ni @jysnrupa.

"#DearLottoWinner i will give you everything i have.. just please marry me! if your a girl.. I'LL GO GAY!!," ani @alexmoongazer.

"#dearlottowinner apir!" ayon kay Rico Blanco. "#dearlottowinner please build a few schools for the children of the philippines? :)" ayon sa Twitter post ni Bianca Gonzales.

BALITA at TSISMIS

Lukaret